LOVE MATCH
Concept by Julian Pangilinan
Story by Dell
Page One.
Frame 1.
CAPTION: Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo, basta ang alam ko, patuloy ang pagtulo ng aking luha…
CAPTION TWO: …aaminin ko, kalalaki kong tao, pero talagang iyakin ako….
CAPTION THIRD:….nakikisabay ang pagbuhos ng snow sa aking pag-iyak.
I.G.: Sa park ang tagpo. Christmas time. Nakaupo si Kazahaya Minekura sa isang concrete bench. Umaagos ang luha sa kanyang guwapong mukha. Umuulan ng snow.
Frame 2.
Kazahaya: ?
I.G. Napatingin si Kazahaya sa dalawang pares ng mga paa na nasa harapan niya.
Page 2.
Frame 1.
Akira: GUWAPO KA SANA, IYAKIN NGA LANG. Para ka naming hindi lalaki.
Kazahaya: S-Sino ka?
I.G. Ipakita ang guwapong mukha ni Akira. Expression in his face is serious.
Frame 2.
CAPTION: Nabigla na lamang ako nang biglang kunin ng lalaki ang aking kamay….
Kazahaya: B-Bakit?
SFX: BADUM!!! BADUMMM
I.G. Kinuha ni Akira ang kanang kamay ni Kazahaya.
Frame 3.
Akira: Punasan mo! Hindi bagay sa iyo kasi ang umiiyak.
Kazahaya: S-Salamat!
I.G. Inilagay ni Akira ang panyo sa ibabaw ng palad ni Kazahaya.
Page 3.
Frame 1.
CAPTION: Nagpahid ako ng luha, gamit ang panyong iniabot sa akin ng lalaki. Ngunit nang pag-angat ko ng aking paningin, wala na ang lalaking lumapit sa akin. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
I.G. Palinga-linga si Kazahaya na may hinahanap.
Frame 2.
CAPTION: Sino kaya ang lalaking iyon? Makikita ko pa ba siyang muli?. Sayang! Hindi ko naibigay sa kanya ang kanyang panyo.
Kazahaya: (SELF) Sino kaya siya?
Frame 3.
CAPTION: Naiwan muli akong mag-isa sa lugar na iyon, pero hindi na umiiyak. May mga ngiting nakasilay sa aking mukha….
Kazahaya: (SELF) Makikita ko pa kaya siya?
Monday, September 3, 2007
Subscribe to:
Comments (Atom)
